(photo courtesy of http://www.cocaseattle.org/marathon/art/smith.htm)
Bakit ba ang dami daming nagpopost sa Twitter at Facebook ng mga katagang “Ang tunay na lalaki, (insert condition here)”. Nakakatawa at minsan nga, may twitter at fan page pa sila, at huwag ka, MAY TUMBLR SITE PA! Haha.
Minsan, maiisip mo, ano o sino nga ba ang tunay na lalaki? May batayan ba tayo para dito? Kung mayroon man, may halaga ba ang mga batayang ito para matimbang mo ang halaga ng iyong pagkatao bilang isang lalaki?
Para sa akin, BS lahat yan. Siguro labels lang yang pagkakaroon ng batayan o standards ng pagiging lalaki. Ang lalaki ay lalaki. Lalabas at lalabas ang nature namin or talagang nature na namin ang nakikita ninyo everyday.
Nakakatawang makita ang mga post tulad ng “Ang tunay na lalaki, hindi camwhore, lalong lalo nang hindi nagpa-pout habang kumukuha ng picture.” siguro pagbibigyan ko yung hindi nagpa-pout, pero yung pagiging camwhore - may ibang term kasing maayos para diyan - siguro mahilig lang kumuha ng picture. Natural sa isang tao ang kumuha ng litrato ng sarili niya - lalo na sa Facebook account niya. Kung ang isang lalaki ay may Facebook account, malamang, matagal na niyang gamit yun. At kung marami man siyang pictures, probably it accumulated from all the years of Facebook usage. And kung mahilig man kumuha ng pictures, aba bakit naman? It’s but normal for us to take pictures, and normal people take pictures, no matter how many pictures they are. Matakot ka kung may Facebook account yan, at walang litrato yan - siguro hindi yan normal.
Ang akin lang, bilang isang lalaki, sa tingin ko, unnecessary na yung mga ganitong bagay. Alam na siguro namin kung ano at paano kami gagalaw bilang mga lalaki dahil innate na sa amin ang mga characteristics na gusto ninyong makita sa amin. Minsan, mao-offend ka din, dahil hindi ka naman kung sino para mag-set ng mga standards na yan para sundin at mahiya pa ang mga lalaki kung mabasa pa at magdalawang isip sa kanyang pagkalalaki kung makita niya kung ano ang tunay na lalaki based on what the site said. OHMAYGULAY!
Basta para sakin ito na lang, “Ang tunay na lalaki, hindi tuma-tantsa, humuhusga, o nagtitimbang ng pagkalalaki. Ang tunay na lalaki, isinasabuhay ang tunay niyang pagkatao, at isinasabuhay ito para sa mga mahal niya.”
Point made. Peace y’all! :)
No comments:
Post a Comment