Tuesday, 29 November 2011

Eh Mainit Kasi Sa Pilipinas

Center of Attention na naman si Gloria Macapagal-Arroyo. Buti sana kung Center of Excellence siya nung administrasyon niya. Bali-balita nanaman ang balak na pag-alis ni GMA dahil may sakit siya sa spine at balak niyang magpagamot sa isang ospital sa Singapore. Sosyal diba?

Ang dami dami nang problema nang Pilipinas, dadagdag pa siya sa listahan ng mga problema. A perfect example of "If you're not part of the solution, then you're one the problems." Tapos, eto naman ang mga kritiko, pasok nang pasok na akala mo isang malaking pintuan lang ang isyung ito. Nandyan ang mga die-hard supporters ni GMA, na walang sawang nagtatanggol sa ale. Kesyo malala daw ang lagay, kailangang umalis na, ginigipit daw ng administrasyon, etsetera, etsetera! Andyan din ang mga oportunistang kalaban ng administrasyon, na tila hindi na naka-get over sa pagkatalo noong eleksyon at panay ang tirada sa present administration, or the opposition in the current roster of politicians, who seemingly find pleasure in contradicting everything that the administration offers or proposes.

Bilang isang nurse, siyempre hindi ko maiaalis na maawa kay GMA sa kanyang kundisyon dahil sinumpaan namin sa aming propesyon na aalagaan namin kahit sino, kahit anuman ang karamdaman nila. But enough of the profession, I'm here to do some work. Haha!


Kadalasan, nagiging isang factor ng pagbagsak ng isang bansa at administrasyon ang kawalan ng tiwala ng mga tao sa mga lider nito at sa mga pulitiko na binoto nila sa lokal na sektor. Ang mali lang sa atin, konting taas lang ng kung anong presyo diyan, konting kalam lang ng sikmura, may magra-rally na. We should keep in mind that the current administration just inherited whatever the previous administration left for them. Hindi ako gumagawa ng excuse para kay PNoy. Ang akin lang, hindi kasi dapat natin ginagawang habit at lifestyle ang pagra-rally dahil lang sa may napatalsik na tayong dalawang presidente dulot nito. 

May isa pa akong concern, ang walang puknat na tirada ng mga tao, lalong lalo na ng mga aktibista, at ibang partido sa administrasyon. Lahat isinisisi sa presidente. Makikita mo kasi sa plakard ng mga nagrarally, PNOY RESIGN o PNOY BULOK or something related to that. Hindi man lang nila alam that there are branches of the government handling whatever their grievances are. HINDI LAHAT ISISISI MO SA PRESIDENTE. Tao tayo, may free will, may obligasyon, may paninindigan, may tungkulin. Siguro kung ginagawa mo yang mga yan nang maayos, may karapatan kang magreklamo. Pero sa nakikita ko, HINDI EH. 

Bakit ko nasabi?



Tingnan mo ang kapaligiran mo. Sa tingin mo ba yang pagtatapon mo ng basura sa mga ilog, estero, at sa kung saan man ay nakakatulong sa pag-unlad natin bilang isang bansa? Sa tingin mo ba, iyang pagdura mo sa kalye ay tatak ng pagiging isang mabuting mamamayan? Sa palagay mo, sa pagtawid mo sa maling tawiran, kahit alam mong may karatulang nakalagay na "BAWAL TUMAWID. NAKAMAMATAY", nakakabawas ka ba sa suliranin ng bayan? HINDI. 


Pilipino. Pilipino ang problema. Bukod sa walang humpay na korupsyon na akala ko nung una ay pangunahing sanhi ng ating paghihirap, tayo pala ang gumagawa ng sarili nating mga problema. Huwag nating maliitin ang mga problemang binanggit ko. These small problems would eventually lead to bigger dilemmas. 


Trabaho? Yan ang ihaharap mo sa aking "napakalaking problema" kaya tayong nagkakandahirap hirap ngayon? Eh kung itigil mo kaya ang pangungulit mo sa misis mo gabi-gabi nang mabawasan yang binabayaran mo? Harsh. Pero yan ang katotohanang pinakikita ko sa lahat. Nakapanood ako ng isang documentary about Malnutrition sa Camarines Sur. Ang sabi ng namamahala sa Health Center, hindi pa daw nakakarating sa kanila ang tulong na galing sa lokal na gobyerno. Pero habang nagsasalita siya, the camera focused on the featured family, having 4 children - each even not half the age of the other. Sinunod-sunod naman ni mister si misis. 


It's always not about how the government works. The country's progress lies in the hands of collaborative efforts between the government and its constituents. Kung hindi tayo kikilos nang maayos, malamang, hindi rin makakakilos nang maayos ang gobyerno. 


Sana wag tayong petiks. Kilos kilos din tayo. Kasi tayo din ang magbe-benefit if we'd realize these things. Let's help the government lift us up to great heights, not put them down by doing what we're doing right now. We're like spoiled children. We can't always have temper tantrums and get what we want by doing these tantrums. Dapat matuto tayong gumawa ng sarili nating ikauunlad, at sa paggawa ng mga bagay na ito, natutulungan natin ang gobyernong mapaunlad ang bansa. 


Peace out! :)

No comments:

Post a Comment